Announcements

BEWARE OF ILLEGAL RECRUITERS / MAG-INGAT SA MANLOLOKO

Date Posted October 12, 2013

MGA KAPATID, TAYO PO AY MAG-INGAT SA MGA MANLOLOKO. MAGING MAPANURI AT ALISTO BAGO MAGTIWALA SA MGA NAG-AALOK NG TRABAHO SA ABROAD GAMIT ANG JOB ORDERS NG MGA AHENSYA TULAD NAMIN.Ang illegal recruiter ay:1. nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbpa. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya2. agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo3. nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa4. nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata5. nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbpa. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya6. hndi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho7. nagsasabi na may kausap na direct employer at ang mga aplikante ay di na kailangang dumaan sa POEA8. nangangako ng mabilis na pag-alis ng aplikante gamit ang tourist o visit visa9. walang maipakitang employment contract o working visa10. nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID11. nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center12. nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis13. walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address14. nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-process (lalo na sa kaso ng EPS-Korea)